tinanong ko ang hipag ko kung paano alam niyang magload ng sulitext 20. sinagot naman niya ako agad ng oo. nagpalod nga ako sa kanya ng sulitext 20 at pagkalipas lang ng around 2 minutes ay dumating na ang load at ang confirmation na ako ay naka-sulitext 20.

tuwang-tuwa naman ako dahil sa wakas makakatext ko na ang mga klasm8s ko na kanina pa nangungulit. nagtype na me kaagad ng mensahe at sinend ko na ito…mga 30 seconds na SENDING… ang nakalagay sa phone ko at laking dismaya ko ng  SENDING FAILED  ang sagot nito at hindi MESSAGE SENT. inulit kung isinend ito ngunit ganun parin ang lumalabas. inulit ko ng inulit, ngunit wala parin…putaragis talaga itong GLOBE na ito.

dahil sa inis ko ay binitiwan ko na lang ang cp ko…hindi me na ito hinawakan sa loob ng 3 oras.

ng mahawakan ko ng muli ang cp ko ay agad ko na namang sinubukang magtext…ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa rin pwede kaya nagpaload na lang ako muli .  ang bilis dumating ng load kaya nag-unli me kaagad. puta naman, nasend kaagad ang mensahe meng UNLITXT20 sa 8888 at nagreply naman ito kaagad na nagsasabing ipinoproseso  pa raw ang transaction na aking ginawa. makalipas lang ang ilang segundo ay dumating na rin ang mensaheng nagsasabing maaari ko na raw gamitin ang aking UNLITEXT20. slamat naman sabi ko sa aking loob-loob.

hindi na ako umalis sa aking puwesto dahil baka humina ang signal. full bar kasi ang signal ng phone ko sa aking location. nagtype na ako kaagad(excited na naman ako) ng mensahe at sinend ko na ito…

PUTANG INANG GLOBE

ayaw na namang magsend… ang lakas ng signal sending failed ang lumalabas.mga isang oras kung sinubukang magsend pero ganun parin.

kinaumagahan… sinubukan ko na naman ngunit ganun parin ang walang kamatayang sending failed ang lumalabas.

dahil sa inis ko ay nagpabili ako agad ng bagong sim at hindi na ito GLOBE…